Kabanata 29 "Guard that heart but do not make it a forbidden place."-Pierre Jeanty. Napapikit ako nang marinig ang sinabi niyang iyon. Kung sana'y pwede kong isagot na Mahal ko din siya pero alam kong hindi maari. "Its late Evan.. thanks for this wonderful day." Iyon nalang ang naisagot ko matapos ay yumuko. Mabigat din ang binitawan nitong paghinga saakin kaya ko nakagat ng mariin ang aking mga labi. "Alright.. see you then and please answer my text and calls." Umangat ang tingin ko sa kaniya na maluwang nang naka ngiti saakin. Nadepina ko ang mga labi saka tumango. Isang halik sa pisngi pa ang ginawad nito bago ako talikuran para sumakay sa kaniyang sasakyan. Ilang minuto pa akong naroon habang tanaw siyang palayo. Ayokong saktan siya pero wala akong pagpipilian. Pinasya kong bum

