"I wanna go with them, Shairo! I can't wait to see my friends anymore!" pagpupumilit ni Marjorie sa kasintahan. Ang sabi kasi ay pupuntahan na ng mga awtoridad ng Dubai ang na-trace nilang pinagbagsakan ng eroplanong sinakyan noon ng mga kaibigan niya. At gusto niyang sumama para makita agad ang mga ito. Subalit tumanggi si Shairo dahil delikado raw. Malayong parte raw kasi talaga ng desyerto iyon. Saka 'di pa naman sigurado talaga kung 'yon nga ang eroplanong hinahanap nila. Kaya mag-antay na lang sila raw kung ano ang magiging resulta...... *** Naalimpungatan na rin sa wakas si Annie mula sa pagkakahimatay niya. Nakaramdam kasi siya ng matinding lamig sa paligid. 'Yon pala ay gabi na. At sinakluban siya ng matinding takot agad nang masilayan niya ng kalunos-lunos na sinapit ni Aliya