PART 7

845 Words
"Noel, ano 'yon?" may pag-aalala sa boses ni Aliyah na tanong sa parang hitsurang naguguluhan na kaibigan. Luminga sa kanya si Noel pero saglit lang dahil nagpatuloy ulit ito sa tila paghahanap. "May sanggol yata rito, Aliyah!" pero sagot naman nito. Napakunot-noo siya. "Sanggol?" "Oo!" sagot ulit ni Noel na napatingin sa kaniya. "Hindi mo ba naririnig? Umiiyak siya!" Umawang ang mga labi ni Aliyah saka napatingin sa iba pang mga kaibigan. Mukhang tama ang hinala nila na naaapektuhan na si Noel sa matinding gutom. "Ayan na naman, oh!" sabi pa ni Noel na parang nababaliw. Totoo naman ang sinasabi niya dahil nakakarinig talaga siya ng iyak ng bata, hindi nga lang naririnig ni Aliyah. Dahil sa ospital kung saan tinakbo si Aileen na asawa niya ay umalingawngaw na ang iyak ng anak nila. UHA! UHA! UHA! "Congratulation, Misis! It's a healthy baby girl!" tuwang sambit ng doctor na nagpaanak kay Aileen. Ang pawisan at hingal na hingal na si Aileen ay napangiti. Salamat sa Diyos at nailuwal niya ng maayos ang anak nila ni Noel. Kung sana lang nandito ang asawa niya. Siguro mas labis-labis pa ang saya niya. Dahil sa wakas kapiling na nila ang anak nila... sana.. "Okay lang ba, Noel? Naririnig mo pa rin ba ang iyak ng sanggol?" tanong ni Aliyah nang mapakalma niya si Noel. Tumigil na ito sa paghahanap at siguro sa pagod na rin nito kakahanap sa umiiyak na sangol. Napasabunot sa kanyang ulo si Noel at napaupo, naguguluhan siya. Wala na 'yung iyak ng sanggol? Pero apektado pa rin siya! Ano 'yon? Anong ibig sabihin n'on? "You okay now?" Tumango siya kay Aliyah. Pagkuwa'y niyakap siya ng maluwang ng kaibigan. Pinaparamdam nito na hindi siya nag-iisa dito sa mala-impyernong desyerto. "Don't worry makakauwi tayo ng buhay," pampalubag-loob din sa kanya ni Aliyah nang humiwalay din sa pagkakayakap. "Kaya?" pero kontra niya rito. "Noel, 'wag ka naman panghinaan ng loob, please? 'Di ba ikaw ang pinakamatatag sa 'ting lahat?! We need you, Noel?" Nahilamos niya ang kanyang mukha. Hindi niya alam! Hindi na niya alam! Lumapit na rin sa kanila ang iba pang mga kaibigan. Nakiupo, paikot. At ilang minuto silang tinginan lang sa isa't isa. "Anong nangyari sa 'yo, Noel? Ni hindi ka na nakapagpaalam kay Licienna?" basag ni Gilbert sa katahimikan nila. Hindi umimik siya umimik. Nakatungo lang siya. Kaya si Aliyah ang sumagot. "Nakakarinig siya ng iyak ng sanggol daw." Natutop ni Ruby ang bibig, ang bilis ng utak nitong nakapag-isip "OMG! Kung gano'n baka nanganak na 'yung asawa mo, Noel!" At hindi lang siya ang natigilan at napatingin kay Ruby pati na ang lahat. "Oo nga! Baka nagpaparamdam ang anak mo sa 'yo?!" ayuda ni Annie sa sinabi ni Ruby. "Paramdam agad? Ginawa mong patay!" pero batok dito ni Rica. "Sorry naman pero meron namang ganoon 'di ba?" giit ni Annie na himas-himas ang batok. "Tumigil nga kayo! You're not helping!" saway sa kanila ni Aliyah. Lalo tuloy naguluhan siya! Posible! Posible na nanganak na nga si Aileen ngayon. Pero sana naman hindi namatay ang anak nila! Dahil hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya! Dapat kasi ay nando'n siya, eh! Hindi dito! s**t! "Aaaahhh!" Galit na galit na tumayo siya at lumayo muna sa mga kaibigan niya. Gusto niyang mapag-isa. "Noel, sandali!" tawag ni Gilbert sa kanya. "Hayaan mo muna siya, Gilbert. Sa tingin ko kailangan niyang mapag-isa," pigil ni Aliyah kay Gilbert. "Kayo kasi, eh!" at sisi nito sa ibang girls. "Ikaw kasi!" turuan naman sa isa't isa sina Annie, Ruby at Rica. SUMAPIT ANG GABI ay nasa malayo sa kanila si Noel. Tulog na silang lahat habang si Noel ay iyak na iyak habang iniisip ang mag-ina niya. Isama pa ang pananakit ng tiyan niya. Masakit ang tiyan niya dahil noon pa man ay ulcer na siya. Kailangan na niyang kumain para mabuhay. Hindi siya pwedeng mamatay, kailangan niyang malaman muna na nasa maayos na kalagayan ang mag-ina niya lalong-lalo na ang anak niya. Napahawak siya sa tiyan niyang kumakalam. Napangiwi siya. Saka luminga-linga sa paligid. How he wish may biglang babagsak na pagkain sa harap niya ngayon. Nakailang buga siya ng hangin. Diyos ko! Ano ba 'tong kinasadlakan nila? Tumayo siya. Kailangan niyang makahanap ng pagkain kung hindi bibigay na siya. Nang 'di sinasadya ay dumako ang tingin niya sa kinalilibingan ni Licienna. At naalala na naman niya ang naisip niya kanina. Napalunok siya. Ito na lang ba tanging paraan!?.......... . . . A/N: "Guys, follow me on my f*******: Account for a chance to win various prizes every month as my 'Thank You' for supporting my stories here on Dreame or Yugto. (Cash. Load. Gift.) Ad Sesa rin po ang name ko sa sss. Naka-motor ang profile picture. Suporta Niyo, Ibabalik Ko, Salamat po sa inyong lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD