"Uha! Uha! Uha!" -iyak ng bagong panganak na sanggol na nasa tabi ni Aileen. "Nagugutom na siya, Anak," nakangiting saad ng Mama niya sa kanya. Ngumiti si Aileen saka buong pusong pinadede ang kanyang anak. At habang tinitigan niya ang sanggol ay naalala niya sa mukha ng sanggol ang asawa niyang si Noel. Si Noel kasi ang kamukha ng anak nila. "Siguro kung narito lang si Noel ay masayang-masaya siya sa anak niyo." "Oo nga po, Ma. An'tagal niyang inantay ito." "Hindi ko naman kasi maintindihan sa asawa mong iyon bakit umalis pa kasi? Eh, alam naman niyang manganganak ka na. 'Yun tuloy ang nangyari!" "Hindi lang niya kasi mahindian ang kaibigan niyang ikakasal, Ma. Alam mo naman ang magbabarkadang mga yon, daig pa ang mga magkakapatid." Napahalukipkip ang Mama niya. "Kahit na!" Nginit