PART 5

938 Words
"Okay na ba siya?" pangungumusta ni Gilbert kay Annie na nag-iiyak kanina kay Noel. Umupo muna sa tabi ni Gilbert si Noel bago sumagot. "Iyak pa rin nang iyak. Ayun pinapakalma nila" Nanlumo si Gilbert. Pagkuwa'y napatingin ito kay Licienna sa kanyang tabi. Akbay-akbay pa rin nito ang dalaga habang nakaupo sila. "How is she?" pangungumusta din Noel kay Licienna. "Not okay. Pahina siya nang pahina." Noel shook his head to vanish away the horrible images that's suddenly flashing in his head. Kailangan talaga ay mahanap na sila kundi—aaahhh ayaw niyang maisip ulit 'yon, pero posible dahil sa kalagayan ngayon ni Licienna. Hirap na hirap na ang dalaga sa sugat na nito, at alam niya 'di magtatagal ay mauubusan na ito tuluyan ng dugo tapos ay iyon na nga. "What are we going to do?" tanong sa kanya ni Gilbert habang hinahaplos nito sa noo si Licienna. "I really don't know," he honestly said. Kung bakit naman kasi dito pa sila napadpad sa desyertong napakalawak. Sana ay sa kagubatan na lang, at least doon sana ay may pag-asa silang makahanap kahit anong pagkain. Hindi tulad dito na puros buhangin lang ang makikita, may tubig nga, tubig alat naman. Ni isang isda rin ay wala man lang silang makita. Parang patay rin ang dagat, tulad ng desyerto. "So, dito na tayong mamatay lahat? Gano'n ba?" malungkot na saad ni Gilbert. Napatingin lang siya rito, dahil kung iisipin ay parang ganoon na nga. Kahit pa ayaw niyang mamatay para sa asawa niya at anak niya sana? Pero kahit anong baliktad na niya ng isip niya ay wala talaga siyang maisip na paraan para maka-survive silang magkakaibigan. "Guys, awang-awa ako kay Annie," sabad sa kanila ni Aliyah. Nakiupo din ito sa tabi nila. "Kumusta siya?" "Ayun iyak nang iyak. Uhaw na uhaw na talaga siya," sagot ni Aliyah. "At gutom na gutom." "Lahat naman tayo, eh. Sino bang hindi?" mababang boses ni Gilbert. Nang bigla na lang para siyang nanlamig na 'di maipaliwanag dahil bigla kasing nanlupaypay na ang isang kamay ni Licienna at ngumuynguy ang ulo nitong nakasandig sa balikat niya. Natigilan siya. Nag-uusap pa rin sina Noel at Annie. Hindi nila namamalayan ang nangyari na kay Licienna hanggang sa kinalabit na sila ni Gilbert. At hindi na mailarawan kung anong naging reaksyon nilang lahat, saglit silang natulala at pagkuwa'y. "Liciennnaaaaaa!" hagulhol na nilang lahat sa pumanaw na nilang kaibigan. Hindi na nakayanan ni Licienna, bumigay na ito. Iniwan na sila. She's dead. "Licieanna!" yakap nina Ruby, Annie, Aliyah at Rica sa bangkay ng kaibigan. Habang sina Gilbert at Noel ay tahimik lang na umiiyak. GABI NA pero hindi pa rin nila alam kung anong gagawin sa katawan ni Licienna. Tulala lang silang nakaupo. Wala silang kakilos-kilos. Pero kahit paano sa nangyari ay natalo ng kalungkutan nila at pagdadalamhati nila ang gutom at uhaw nila. Nakatingin lang sila sa maamo pa ring mukha ni Licienna. Awang-awa sila sa kaibigan. Hanggang sa napatitig si Noel sa isang braso ni Licienna at may biglang kakaibang naisip siya. He doesn't know, but he gulped. "Ipaalon na lang natin siya sa dagat o kaya ay ibaon sa buhangin," suddenly Gilbert suggested. Pero walang nag-react isa man sa kanila. Natahimik ulit si Gilbert. Subalit hindi nagtagal ay hindi na nito kaya pang pagmasdan na nahihirapan ang mga kaibigan nito kaya tumayo na ito at nag-umpisang maghukay ng paglilibingan nila kay Licienna gamit ang isang kahoy na nakita nito. Nanood lang ang lima kay Gilbert, pagkuwa'y tumayo na rin si Noel para tumulong. "Ibabaon niyo siya? Paano kung may mag-rescue na sa 'tin bukas?! Dapat siyang mailibing ng maayos!" kaso ay napaiyak na kontra ni Rica sa dalawang lalaki. "Pero paano kung wala?! Hahayaan na lang natin siyang mabulok diyan? Ganoon ba?" katwiran ni Gilbert na mapait na mapait ang boses. Palibhasa'y ito ang mas nasasaktan sa lahat sa pagpanaw ni Licienna. Kung sana hindi na lang sila nagpunta sa lugar na ito! Sana buhay pa si Licienna! An'dami pa naman sana nitong gustong gawin na kasama si Licienna, pero ngayon wala na! Naglaho na lahat dahil sa lintik na eroplanong iyon na nagpapadpad sa kanila rito! Umiyak lang si Rica. Hindi na ito umimik. Wala nang mairarason. Hinagud-hagod naman ito sa likod ni Ruby. Pinagpatuloy nina Gilbert at Noel ang paghuhukay. Iyak lang nang iyak ang mga babae, naroong yakapin nila si Licienna habang iniiyakan nila ito. Tahimik na silang lahat. Tanging ang tunog ng paghuhukay at iyak nila ang maririnig. Walang gustong magsalita dahil sa kalungkutan nilang nadarama, at kung ano ang mga tinatakbo ng isipan nila ngayon ay walang may alam. KRUG KRUG! Tunog ng tiyan ni Noel, gutom na talaga siya, at malamang pati ang mga kaibigan niya. Nagkakatinginan na lang sila ni Gilbert kapag naririnig nila ang huni ng tiyan nilang gutom. "Gilbert.." mayamaya ay agaw pansin niya sa kaharap na naghuhukay ng buhangin. Naisip niya kasi ulit ang naisip kanina, pwede 'yon! Kung papayag ang iba! Tulad ng mga napapanood niya sa mga pelikula! "Ano?" "Huwag na kaya nating ilibing si Licienna? Ano na lang--" "Huh?!" "K-kasi—" Bigla ay alinlangan siya sa sasabihin niya, dahil sa isang iglap ay nagbago ang isip niya, dahil kahit siya ay parang 'di niya masisikmura ang naisip niyang solusyon sa gutom nila. Hindi siya sang-ayon sa naiisip niya, nakakadiri iyon! At 'di niya yata kakayanin! "Kasi ano?' Napabuntong-hininga siya. Hindi! Hindi nila gagawin ang iniisip niya! Dahil baka bukas ay may magliligtas na sa kanila! "W-wala. Forget it," sabi na niya kay Gilbert na tinuon ulit sa paghuhukay ang isip keysa pag-isipan ang bagay na iyon. Iyon ay ang kainin si Licienna.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD