"WHERE is Tadeo?!" galit na tanong niya kay Manang Flora nang makapasok sa bahay ni Tadeo. "Nasa kuwarto niya po," sagot nito sa kaniya. Imbes na sagutin, tumakbo siya patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Nang makarating, agad niyang dinako ang master's bedroom. Binuksan niya iyon at pumasok sa loob. Nakita niya si Tadeo sa kama habang nakatutok sa laptop nito. "What are you doing here, huh? We're already done!" "Isabella came back, Tadeo. I-I saw her... I saw her in your mother's house. Kasama niya si Travis at ang anak nil—" "Do I care about that, huh? Bakit mo sinasabi iyan sa akin? After you killed Samantha, babalik ka rito para ano? You want my help? Gusto mong tulungan kita sa plano mo? I know your next plan. Don't you dare approach me again like we weren't done. Tapos na tayo