NAKAUPO si Isabella sa bangko habang nakatingala sa kalangitan. Malalim na ang gabi ngayon at bilog na bilog ang buwan habang nagkalat ang mga nagniningningang bituin sa kalangitan. Hindi mapigilan ni Isabella ang mapangiti dahil sa kaniyang nasasaksihan. Pakiramdam niya'y gumaan ang dibdib niya dahil doon. "It's 10 P.M, bakit nandito ka pa sa balkonahe?" Halos mapatalon si Isabella nang marinig iyon. Binalingan niya iyon at mula sa may pinto palabas ng balkonahe, nakita niya si Travis. Nakasandal ito roon habang diretsong nakatingin sa kaniya. Kapansin-pansin ang hawak nitong baso na sa tantiya niya'y may lamang alak. "Gusto ko lang magliwaliw," maikling tugon ni Isabella bago ibinalik ang tingin sa kalangitan. Sandaling nanahimik ang kapaligiran bago naramdaman ni Isabella na umupo s