"YOU didn't come last night, Travis. We've been waiting for you, but you didn't show up." Napa-angat ng mukha si Travis kay Victoria dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam ang sasabihin ng mga sandaling iyon at pakiramdam niya'y nalunok niya ang kaniyang dila. He didn't show up because he saw Isabella inside the restaurant. Yes, it's Isabella. Hindi siya maaaring magkamali dahil itong-ito iyon. At imbes na pumasok sa loob ng restaurant, tumalikod si Travis at bumalik sa kaniyang sasakyan. Until now, hindi pa rin siya makapaniwala. Maraming tanong ang nasa utak niya ngayon at isa na roon ay kung paano ito nakapagtrabaho sa De Aguirre's Steakhouse dahil sa pagkakaalam niya ay isa itong luxury restaurant. Sa design pa lamang ng naturang restaurant , malalaman mo na agad na mamahalin iyon. S