MAGPAHANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Isabella sa nakita sa loob ng kaniyang bag. Hindi na siya nag-isip kung kanino ba galing iyon sapagkat alam na alam niyang kay Travis galing ang mga perang iyon. Ngunit bakit hindi man lang nito sinabi sa kaniya na nilagay na pala nito iyon sa bag niya? Nagulat tuloy ang mama niya. Nakapagpaliwanag na naman siya rito at siyempre, nagsinungaling siya. Sinabi niyang inutang lang niya iyon. Imbes na sabihin na kay Travis galing, mas minabuti na lang ni Isabella na ilihim iyon sapagkat alam niyang tatanungin siya nito kung bakit siya binigyan ni Travis ng ganoong kalaking pera. Hindi biro ang kalahating milyon at napakahirap noon hanapin dahil sa hirap ng buhay ngayon. Ngayon, naglalakad na si Isabella habang kasama si Jodi. Patungo silang