"ANONG ginagawa mo rito, Travis?" ulit ni Isabella dahil baka nabingi lang si Travis ng mga sandaling iyon. Humakbang si Travis ng isang beses. "Ang bilis mong nakahanap ng bagong lalaki," nangingising saad nito. "Kinalimutan mo na ba ako, Isabella? Isang taon lang tayong hindi nagkita o nagkausap, naghanap ka na agad ng lalaki. Tell me, mas magaling ba ang lalaking iyon kaysa sa ak—" "Wala akong panahon para makipag-usap sa iyo, Travis. Umalis ka na kung ayaw mong sumigaw ako rito." At sinaraduhan na ni Isabella ang pinto ngunit hindi pa man niya iyon tuluyang nasasaraduhan nang iharang ni Travis ang isa nitong paa. "Ano ba, Travis? Wala ng rason para mag-usap pa tayong dalawa. Umalis ka na lang. Huwag kang mag-eskandalo rit—" "Let's talk!" malamig nitong wika kapagkuwa'y itinulak ang