"Iloilo? B-Bakit naman tayo kailangang lumayo, Albert? At bakit mo ako dadalhin doon?" gulong-gulong tanong ni Isabella kay Albert kapagkuwa'y binawi ang mga kamay rito. "Oo, Isabella. Sa Iloilo tayo pupunta dahil nandoon lahat ng mga kamag-anak ni nanay. Doon tayo magsisimula bilang isang pamilya. Doon natin bubuhayin ang nasa sinapupunan mo at mga paparating pa nating anak. Huwag ka nang magdalawang isip pa, Isabella. Kahit anong gawin mo, hindi ka na pipiliin ni Travis dahil masaya na siya kay Samantha. Ako na lang ang piliin mo at hayaan mo akong patunayan na seryoso ako." Hindi alam ni Isabella ang isasagot kay Albert. Para bang nalunok niya ang kaniyang dila ng mga sandaling iyon dahil ni hindi niya magawang makaimik. Galit siya kay Albert kaya paano niya ito mapagkakatiwalaan? Kah