"....MAG-INGAT po kayo riyan, mama. Huwag po kayong mag-alala dahil maayos lamang po ako rito. At nga po pala, bago ko makalimutan." Sandaling tumigil si Isabella bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Maayos na po kami ni Travis, mama." "Talaga ba? Maayos na kayong dalawa? Salamat naman sa Diyos at nawala na ang galit niyo sa isa't-isa. Matagal ko nang hinihintay na mangyari iyan, anak. At sa wakas, nangyari na nga." "Opo, mama. Hindi nga rin po ako makapaniwala, e. Siya na po mismo ang nag-alam kay Albert kung totoo nga ba iyong video at sinabi na mismo ni Albert na hindi po ako iyon." "Oh, Diyos ko. Salamat talaga sa Diyos. Masaya ako para sa inyong dalawa, anak. Sana naman ay makapasyal kayo rito kahit papaano. Miss na miss na kita at pati ang apo ko." "Salamat, mama. At huwag po kayong