ITINIGIL ni Travis ang kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada kapagkuwa'y bumaba roon. Umikot siya sa kabilang gawi at sumandal habang nakatanaw sa malawak na kakahuyan. Mag-isa lamang si Travis ngayon sa kaniyang kinaroroonan. Ni isang sasakyan ay walang dumadaan. Tanging mga puno lang at mga halaman ang nagsisilbing kasama ni Travis ngayon. Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Travis at ipinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. Sakto namang nag-ring ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Naiiling niyang kinuha iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita niyang mommy niya ang tumatawag, imbes na sagutin, pinatay lang ni Travis ang tawag. Wala siyang ganang makipag-usap ngayon kaya ginawa niya iyon. Inihagis ni Travis sa loob ng kaniyang sasakyan ang cellphone kapagkuw