"NASAAN tayo?" nagtatakang tanong ni Isabella kay Travis nang makababa sila ng sasakyan nito. Nasa harap sila ng isang malaking bahay at ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta si Isabella rito. Hindi niya kilala ang naturang bahay kaya hindi niya mapigilang matakot ng mga sandaling iyon. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano ngunit hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Paano kung ikulong siya rito ni Travis kasama si Irvan? Paano kung pahirapan siya nito? Ganoon ang ginawa ni Albert sa kaniya noon kaya hindi napigilan ni Isabella ang mag-isip. "Sundan mo lang ako, Isabella!" malamig na tugon ni Travis sa kaniya at binuksan na ang gate. "Puwede bang sabihin mo na sa akin ang balak mo? Balak mo ba akong ikulong diyan? Gagawin mo rin ba iyong ginawa ni Albert sa akin noo