"MANANG Vanessa, alam niyo po ba kung saan itinago ni Albert iyong cellphone na ibinigay niya sa akin?" tanong ni Isabella kay Manang Vanessa nang akmang lalabas na ito ng kuwartong kinalalagyan niya. Kumibit-balikat ito. "Hindi ko alam, e, Isabella. Minsan ko na nga lang nakakausap si Sir. Albert kasi alam mo naman, araw-araw siyang umaalis, 'di ba? Baka hawak niya iyon. Pasensya ka na, Isabella. Kung may kakayahan lang akong tulungan ka, nagawa ko na pero isang hamak na kasambahay lang naman at ayokong mawalan ng trabaho dahil may binubuhay pa ako." Peke siyang ngumiti rito. "Salamat po, Manang Vanessa. Hindi niyo na po kailangang mag-alala. Naiintindihan ko po kayo," tugon niya rito. Tumango lang ito bago lumabas ng kuwarto. Nang isarado nito ang pinto, narinig pa ni Isabella ang pag