"MAGA iyang mga mata mo, umiyak ka na naman ba, Isabella?" Mabilis na nag-angat ng mukha si Isabella kay Manang Mel na kasalukuyang nakatayo sa harap niya. Nakaupo siya sa silya habang kumakain ng hapunan. Umiling si Isabella. "H-Hindi po, Manang Mel." "Hindi ka umiyak? Huwag mo nang ilihim sa akin ang totoo, Isabella. Alam kong si Albert ang may dahilan kaya ka umiiyak. Huwag mong iyakan ang lalaking iyon. He doesn't deserve you, okay? Don't worry, makakaalis ka rin dito. Hintayin lang natin ang tamang oras. Magtiwala ka lang, Isabella." Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Isabella at binitiwan ang hawak na kutsara. "Hindi pa rin po mawala sa utak ko iyong nalaman ko, Manang Mel. Nagtatrabaho siya bilang drug pusher at gumagamit din po siya ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ka