JIM Sobra kaming kinabahan sa sinabi ni Jeppy. Hindi marunong magbiro ang isang iyon. Tumakbo kaming apat paakyat. s**t! Nagsarado kasi agad iyong elevator kanina. Nasa third floor pa ang ICU. "Ano bang nangyari kay Miya?" Pagtatanong ko rito. Lalo kaming kinakabahan. Sana walang masamang nangyari. Please, lord. "B-bigla siyang... Biglang nag-flat iyong aparato, k-kuya... Nagulat kami nila Jasmine. Pinindot agad namin i-iyong button doon para malaman ng nurse na emergency, k-kuya..." Oh s**t! No! No! No! Huwag kang bibitaw Miya! Hindi namin kaya. Pagkarating namin sa ICU, nakita namin sila Mommy na nakaharap sa salamin. "K-kuya..." Nakita kami ni Jasmine at lumapit ito sa amin. Umiiyak siya habang yakap-yakap siya ngayon ni Jix. Bakit siya umiiyak? Hindi naman diba? Oh, plea

