Daisy "K-Kasama mo ang boss mo? I-Is he still there?" "Huh?" Biglang tumakbo palabas si Dasia na ikinagulat ko. "W-Wait! Dasia!" I immediately chased after her! Haayst! Ano ba 'tong babae na 'to. "Baka nakaalis na siya!" "Titingnan ko lang! May naghahatid na pala sa iyong lalaki, ha?! Ano? Nanliligaw na ba 'yan sa iyo? But you're not telling me anything!" "No! He's my boss!" Tuloy-tuloy siyang tumakbo palabas ng front door ng bahay nila. Nakasunod naman ako sa likuran niya! Sana naman ay wala na dyan si Chief! Umalis na sana siya! "Anong nangyayari? Dasia? Daisy!" sigaw ni Tita Danica sa likuran namin. Ngunit tulad ni Dasia ay hindi ko rin siya magawang pansinin. "Please open the gate. Hurry!" may pagmamadali niyang utos sa mga guard. Kaagad din naman nilang binuksan ang wicket