Daisy NAGULAT ako at nagising bigla sa malakas na pag-vibrate ng cell phone ko sa dibdib! Hindi kaagad ako nakakilos sa kinahihigaan ko ngunit patuloy pa rin ito sa pag-vibrate. Maliwanag na ang buong paligid at pumapasok na rin dito sa loob ng silid ko ang sikat ng araw. Umaga na pala! Pero antok na antok pa ako at sobrang namimigat pa ang pakiramdam ko. Hindi ko na kasi alam kung ano oras na ako nakatulog kagabi. Inabot ako ng madaling araw dahil sa pagmumuni-muni at sa katititig sa mga picture namin ng loves ko sa gallery ko at sa wallpaper ng phone ko. Hindi ko kasi makalimutan ang first date namin kagabi. Ang gwapo-gwapo niya sa picture at ang ganda-ganda ko naman. We are really perfect for each other. Sino bang nagsabing sa ibang babae siya nababagay? Kalokohan ni Dasia. Sa akin