Daisy "Ninong? Ninong!" Nagulat ako nang marinig namin ang sigaw ni Dasia at sunod-sunod niyang pagkatok sa pinto! Bigla akong napakalas mula kay Tito Lance. "S-Si Dasia..." Kinabahan akong bigla at labis na nataranta. Mabilis akong bumangon at hindi malaman ang gagawin. "Let her see you--" "Hindi pwede. Magugulat siya. Huwag natin silang biglain. Natatakot ako. I'll just hide here. Don't make a noise." Mabilis akong dumapa at gumapang patungo sa ilalim ng kama. "What?" Nakita ko naman ang pagbaba na rin niya ng kama. "Sige na. Huwag kang maingay. Puntahan mo na siya." "Tsk." "Ninong! Are you there?!" Dasia continued to knock on the door and scream. Natanaw kong naglakad na patungo doon ang mga paa ni Tito Lance. Wala itong saplot na tsinelas. "Ninong! Tulog ka na b--" Naputo