Danica NAPAKA-LAPAD nang pagkakangiti ko nang umuwi kami ng bahay, kinahapunan. Matapos pa kasi ng lunch namin kanina ay sama-sama din kaming nag-ikot sa buong Venice grand canal mall. Hindi sila humiwalay sa amin kanina katulad nang napag-usapan noong una. Sumakay pa kami ng bangka at umikot sa kahabaan ng river. Tuwang-tuwa naman ang mga bata. First time ko rin nakasakay ng bangka sa tanan ng buhay ko. Kumuha din kami ng mga pictures namin kanina. Sinadya namin na magkakatabi ang tatlong magkakapatid. Si Dave ay napipilitan ding ngumiti dahil pinagtutulungan namin siyang kantyawan. Dumagdag pa ang makulit na si Jr., kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Mamaya ay titingnan ko ulit ang mga kuha naming larawan at video. Nakakatuwa talaga. Perfect talaga ang buong araw na ito para