Daisy PAGKATAPOS naming magsimba ay nag-lunch na muna kami sa isang restaurant dito lang sa malapit sa church. Marami namang kainan dito. Marami ring pamilihan. Bumili din kami ng Puto bumbong. Paborito itong lutuin ni Mommy, eh. Na-miss ko tuloy ang mga luto ni Mommy sa Baguio. Pagkatapos naming mag-lunch ay nag-ikot-ikot na kaming muli ni Lance. Hanggang sa makarating kami sa Rainforest sa Pasig. Dinadaan-daanan lang namin ito palagi pero ngayon pa lang talaga ako makakapasok dito. Napakaganda pala sa loob at napakaraming hayop. Malawak ang pasyalan. May malaking playground para sa mga bata. Maraming halaman at mga bulaklak. Nagtataasan ang mga malalaking puno ng kahoy. Mayroon ding public swimming pool kung saan nagbabayad ang bawat isa. May zip-lining, wall climbing, trekking at