Daisy "What the hell does this mean? He's been sleeping here? Since when? Tito? Nagtatabi na kayo sa kama? May nangyayari na pala sa inyo nang hindi ko alam? May ginawa ka ba sa kapatid ko? Did you force her?" sunod-sunod na tanong sa amin ni Jr. Gulat na gulat pa rin ang anyo niya habang nasa harapan namin. Ako ay bumalik na sa pagluluto, habang si Lance ay nakaupo na sa silya sa harap ng mesa. Hinihilot-hilot niya ang ulo niya. Kulang pa siya sa tulog pero ayaw na niyang bumalik sa kama nang dahil dito sa kambal ko. "Wala pang nangyayari sa amin. Natutulog lang kaming magkatabi," sagot ko naman sa kanya. "That's impossible!" "Anong imposible do'n? Huwag mong igaya si Lance sa iyo. Iba siya sa iyo." "Lance na lang?" "Boyfriend ko na siya! At huwag kang kokontra, sasapakin kita!" "