Danica NANG SUMUNOD na linggo ay bigla na lamang kaming ginulat ng mga bisitang dumating sa labas ng aming gate. Kaagad nagdilim ang anyo ni Dave matapos itong sabihin sa kanya ng mga tauhan niya habang nasa kalagitnaan kami nang pag-aalmusal. Pero hinayaan pa rin niyang makapasok ang mga ito sa loob ng aming tahanan. Mabilis akong sumunod sa likuran niya palabas ng front door ng aming bahay habang buhat ang aming anak. Napatitig naman sa amin ang mga bisita. Ang mag-asawang sila Mr. Amadeus Vargas at Mrs. Belinda Vargas. May kasama din silang isang bodyguard sa likuran nila. "Apo! Ikaw na ba talaga 'yan? Taong-tao ka na ngayon," nakangiting turan ni Mr. Amadeus sa kanyang apo. Dumako din kaagad ang paningin nila sa amin ni Dasia. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot sa sim