BLAIR VIPER TORO Ala sais pa lang ng umaga pero alam kong umpisa na ang trabaho ng mga servants. “Blair, ‘san ang punta mo?” May makakasabulong akong isang matandang servant. Nginitian ko s’ya pabalik. “Mangunguha lang ng kahoy sa gubat…” Iyan ang tugon ko. Nag-laho na ang ngiti ko nang nilagpasan na ako sa paglalakad. Nang maka-labas na ako sa zone namin, iniba ko ang aking landas. Tumungo ako kung saan may makita akong servant. Tumungo ako sa istabla ng mga manok. Tumigil ako sa bungad ng naka-bukas na pinto at tinanaw ko ang mga servant na nangunguha ng mga itlog sa bawat kulungan. “Magandang umaga, may kilala ba kayong servant na nagngangalang Gioda?” Naagaw ko agad ang kanilang pansin. Baba-taas nila akong tinitigan. Wala sa kanila ang anim na servant na pinagtulungan ako