SPECIAL CHAPTER 7 · BLAIR VIPER TORO ILANG araw pa ang lumipas na pananatili namin sa manor, may napapansin akong kakaiba sa katawan ko na parang naramdaman ko rin ito noong nagdadalang tao ako kay Brior kaya mas minaigi namin ni Regis na magpatingin na agad sa doktor at kompirmado nga. Dalawang linggo na pala akong buntis. Pareho namin ‘tong inaasahan ni Regis kaya hindi na kami nagulat at sa wakas, natupad na ang pangarap n’yang masundan si Brior. “Congratulations, Blair! Pagkatapos n’yan, gawa ulit kayo! Sayang ang lahi oh!” “Kung hindi lang talaga masakit manganak, kahit taon-taon, kakayanin ko pero ang sakit kaya umire. Bukod pa riyan… ang hirap din kung buntis ka na…” tugon ko kay Kisha. Kahapon pa kami pumunta sa doktor ni Regis at ngayong araw lang ako nakabisita sa farm p