BLAIR VIPER TORO UNTI-UNTI s’yang lumayo sa ‘kin para harapin ako. Kitang-kita ko ang pag-kurba ng mga labi n’ya. Lunok-laway akong nakipagtitigan. “Ang… ibig sabihin ba nito, mamayang gabi na mangyayari?” “Kung ako ang susundin, hindi ko na gustong patagalin… What do you think? Are you ready for tonight?” “N-Nakahanda naman ako kahit sa anong oras, Boss.” Lumapad ang kan’yang ngisi. “That’s the spirit.” Iyon ang naging usapan namin ni Regis bago lumisan sa public bathroom. Hindi ko pa puwedeng puntahan ang kapatid ko dahil ang sabi n’ya kanina, sa kan’ya muna ako. Bumiyahe na kami pabalik sa mans’yon. Hinatid n’ya lang ako roon at umalis naman kaagad. Hindi ko na tinanong kung saan s’ya pupunta dahil mas mabuti ngang mag-isa lang ako. Sinamahan ako ng isang maid sa magiging kuwart