BLAIR VIPER TORO ILANG segundo akong napa-tulala sa ginawa ni Regis. Maging si Tita Brenda ay nanigas din sa kan’yang kinatatayuan. Pag-tingin ko kay Elenor, naka-handadusay na s’ya sa damuhan at parang nawalan ng malay. Sinulyapan ko naman ng tingin si Regis na marahas n’yang niluwagan ang suot na neck tie habang bumubuga ng malalalim na pag-hinga. Hindi pa rin tumigil sa kakaiyak ang anak ko. Aburidong-aburido. “P-Pasok muna tayo sa loob, Blair…” Tinanguan ko na lang si Tita. Humakbang na kami papasok ng sala saka ako umupo sa bangko. Pinahiga ko si Brior sa kaliwang bisig ko at nilabas ko ang kaliwa kong susò. Tinutok ko sa bibig ng anak ko ang nípple ko. Nang dumede na s’ya, doon pa lang ako naka-hinga ng maluwag nang tumahan kaagad. Tumahimik na ulit ang paligid. “Kukuha lang ak