BLAIR VIPER TORO “Anong… anong kaputanginahan ang sinasabi mo, Chadler?” Humakbang ako palapit sa kan’ya at marahas kong kinapitan ang kuwelyo ng kan’yang uniporme. Pinandilatan ko s’ya ng mga mata at bumagal ang pag hinga ko. “A-Anong kagaguhan ‘to?! Sabihin mo nagsisinugaling ka lang at mapatay na kita ngayon! Hindi magandang biro 'tong pinagsasabi mo!” Umugong ang buong-buo kong boses sa bawat sulok ng palapag. Hindi nakapagsalita si Chadler at nanatiling bagsak ang kan’yang ulo na ayaw n'ya akong tingnan ng diretso. “Na...asinta ng soldier ang leeg ng kapatid mo, Blair… When he reported the incident... We tried... to save him… I tried to revive him but... he’s already dead… bago pa ako dumating… I already detained the soldier—“ Nangmanhid na ang mukha ko. Kusang gumalaw ang kama