BLAIR VIPER TORO “B-Blair… Gumising ka… Blair!” May tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko matukoy kung kaninong boses iyon. “B-Blair!” Pinilit kong imulat ang namimigat kong mga mata. Napa-dako ang nanlalabo ko pa rin na paningin sa babaeng naka-luhod sa gilid ng ulo habang panay tawag ng pangalan ko. Hindi lang s’ya ang nagiisang tao rito sa loob. Hinintay kong luminaw ang mga mata ko. At unti-unti kong naaninagan ang imahe ni Kisha. “B…Blair! Diyos ko! B-Bakit mo ginawa ‘to?!” Lumuhod din si Mang Pablo sa gilid ko. Natukoy ko agad kung na saan ako. May mga nakita akong mga kabayo. Nasa loob pala ako ng istabla na ginawa kong pansamantalang tahanan. Ang sama ng pakiramdam ko. May nahagip kaagad ako ng tingin. Naka-tayo si Chaldler sa aking harapan na bakas na bakas sa