SPECIAL CHAPTER 5- BLAIR VIPER TORO BONUS lang ‘yang love making namin ni Regis dahil bukod diyan, sa mahabang araw na pamamalagi namin sa village, pinasyal n’ya pa ako sa mga lugar na hindi ko napuntahan at may sapat na kami na oras para sulitin ang honeymoon trip namin. Ilang linggo rin kaming nagpakasawa roon at napagkasunduan na umuwi na ng Pilipinas. Namimis na kasi namin si Brior. Sa susunod, isasama na namin s'ya ni Regis. “Did you enjoy our trip, baby?” “Tinatanong pa ba ‘yan? S’yempre naman…” Sinandal ko ang ulo ko sa balikat n’ya. Nasa cabin pa kami ngayon sa loob ng private jet. Nasa himpapawid pa at alas dyes pa lang ng gabi. Bukas pa kami makakarating sa manor nito. Pinikit ko na ang mga mata ko at humikab. Ayaw kong humiga sa kama, parang mas lalo akong nahihilo. Mas mi