BLAIR VIPER TORO SA gabing ‘yon, hindi ko matatanggi na isa iyon sa pinakamagandang naranasan sa buong buhay ko. Sa dinami-daming kwentong binahagi n’ya sa ‘kin, inabot kami ng halos madaling araw doon sa gitna ng lawa. Habang nakikipagkuwentuhan sa kan’ya, naalala ko ang amoy ng insenso na pamuksa sa lamok. Umaalingasaw iyon kasama ang kandila na naka-tirik sa sa ibabaw ng mesa, sa tabi ng flower vase at hindi ko makalimutan ang matamis na ngiti ni Regis habang aliw na aliw s’ya sa mga pinaguusapan naming dalawa. Nakakataba ng puso. Alas dos na kaming dalawa naka-tulog ni Regis. Akala ko, i-t-take advantage n’ya ‘yong pagiging good mood ko para mayakap ako pero ang behave n’ya rito sa tabi ko. Kahit nilalamig ako, tiniis ko na lang na walang kayakap at nahihiya kasi ako, s’yempre.