BLAIR VIPER TORO WALA na akong inasakyang segundo. Tinalikuran ko na ang nakakabanas na lalakeng ‘to at tumakbo na ako palayo. Nagmadali na akong pumasok sa pinakaunang istabla ng mga kabayo. Para hindi n’ya ako masundan, sinara ko na ang pinto. Saglit akong bumuga ng marahas na hininga. Tinuon ko na ang buo kong atens’yon sa bawat sulok ng silid na ‘to. Naagaw ang pansin ko sa nagiisang itim na kabayo na nasa loob ng kulungan. Ito ang kabayo ni Regis na si Raven. Ang dami-daming puwedeng sakyan ng Dax na ‘yon, ito pa talaga ang napili n’ya na, sa hitsura pa nga lang ng kabayo, matatakot ka na nga. Kinuha ko na ang mga panlinis ko at sinimulan ko nang ipunin ang kanilang mga dumi. Habang naka-titig ako sa sahig na naka-kalat ang mga pira-pirasong dayami, nasa isip ko ang anak ko.