Kanina pa kami rito sa tabi ng stall ni Manong. Nakaapat na stick na ako, wala ring pinalapit na customer si Timothy dahil na rin sa request ko. Para kasi akong mauubusan, at ang mga paninda ay ipinagdamot. Kaya binayaran na lang nito lahat iyon. Kanina iyong kinain kong dalawang stick ng manga ay walang sawsawan. Pero ngayon ay meron na. Iyong suka sa kabilang stall na ang tinda ay fishball at kikiam. Nanghingi si Manong para lang maibigay ang cravings ko. Nakita ko pa ngang inabutan ni Tim ng pera, pero hindi ko sure kung magkano. Sa ikaanim na stick, tinawag ko si Timothy na nakasandal sa sasakyan. "Babe?" "Gusto ko ng asin at asukal." "Para saan?" "Sawsawan. Idagdag mo pa pala ang sili." "Gusto mo ba sa bahay na lang? Mainit na kasi, baka pinagpapawisan ka na rito?" "Si