"Claudette!" isang mahigpit na yakap ang bumungad sa akin mula sa aking ina. Pero para lang akong estatwa, habang yakap nito. Kagigising ko lang, 3 am kanina nagising ako para ayusin ang ilang gamit tapos nakatulog ulit, at nagising lang talaga ulit ngayon dahil sa pagtunog ng doorbell. Tapos nang buksan ko'y sila ang bumungad. Sumalo na rin si Papa, nakiyakap na rin ito sa amin ni Mama. Nang magtama ang tingin namin ni Meri ay tagilid ang ngiti nito. Alam naman nito na ayaw kong harapin ang mga magulang namin, pero heto sa second day pa lang na narito ako sa Metro ay nagkaharap-harap na kami. Pinupog pa nang halik ni Mama ang mukha na akala mo naman talaga ay miss na miss na. Pero hindi, palabas lang nila ang pangungulila nila sa akin. Alam ko iyon, dahil kahit kailan naman ay puro