Nang magtatlong buwan ang anak ko'y nagsimula na kaming maghanda para sa kanyang binyag. Dahil nga malapit nang bumalik sa office ang kanyang daddy, humingi na rin kami ng tulong sa pamilya namin para sa preparation. Ngayon nga'y narito sila sa sala ng aming bahay at nag-uusap regarding sa binyag. Hindi ko pa nahawakan mula kanina ang anak ko, breastfeeding naman ito, pero nagpu-pump na lang ako at inilalagay sa bottle dahil ayaw na nilang ipahawak sa akin sa tuwing narito sila. Pahinga ko raw. "Mas maganda kung mga tunay na malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dadalo." Suggestion ng mama ko. "Ano ka ba, Adema? Paglaki ni Meridelle, iyong mga Ninong at ninang na sina-suggest kong kunin natin ay magagamit n'ya at connection. Mga business partners namin sila, mga kakilala---"