Kabadong-kabado ako na bumaba ng sasakyan. Mahigpit ang security ng subdivision, pero nang ipakita namin ni Timothy ang ID namin, ay agad kaming pinapasok. Waring inaasahan talaga ng mga guwardiya ang pagdating namin. Inihatid pa nga kami sa bahay kung saan ayon kay John ay nakatira ang aming anak. Paglabas namin kanina ay si Timothy na ang nagsabi na pupuntahan daw namin ang address. Kaya ito kami. Nakatanaw sa napakataas na gate. Ginagap ni Timothy ang aking kamay, saka marahan iyong pinisil. "Totoo man o hindi ang sinabi ni John, kailangan handa ang puso natin." Seryosong ani ng asawa ko sa akin. Pagdating talaga sa mga anak ko, ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sobrang umaasa ako ngayon na sana nga, na ang 'Maria' na naghihintay sa amin ay ang tunay naming anak. Doon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books