Chapter 39 "You are 8 weeks pregnant. Congratulations" Kahit inaasahan na ni Elle ang balitang iyon mula sa doctor ay hindi parin niya maiwasan mapaiyak sa sobrang kaligayahan. Hindi siya makapaniwala na buntis na siya ngayon at magiging isang ganap na ina balang araw kapag naisilang na niya ang kanilang anak ni Cody Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Cody "Yes! Yes! Daddy nako! Thank you baby! Thank you!" Tuwang tuwang sambit nito habang yakap yakap siya ng mahigpit Nakangiti naman ng husto ang doctora na kinikilig para sakanilang dalawa ni Cody "Magiging parents na tayo Cody.." Umiiyak niyang hinaplos ang pisngi ni Cody dahil umiiyak rin ito sa sobrang saya nito "Yes baby. I will be the best dad in the world. I promise you" Lumuhod ito sa kanyang harapan at hinalikan ang k