Chapter 8 Alasingko palang ng umaga ay gising na gising na si Elizabeth. Usually ay last minute na siya kung gumising sa tuwing aalis siya lalo na't day off niya pa ngayon. Ngunit ibang iba ang level ng kanyang energy ngayong araw na ito Halos hindi siya nakatulog kagabi kakaisip kay Cody. Namiss niya kasi agad ito dahil simula ng maghiwalay sila sa elevator kahapon ay hindi na niya ito muling nakita. Tinanong niya si Migs kahapon bago siya umuwi dahil hindi niya matiis itanong kung nasaan si Cody. Ewan ba niya pero hinahanap hanap na niya ito. Ang sabi sakanya ng secretary nito ay nasa ibang kumpanya daw ito dahil may mga mahahalagang business meeting ito nang hapong iyon Umuwi tuloy siya na malungkot dahil hindi na niya ito nakita pa. Ngunit may kasabikan rin siya dahil nagpapasama i