Chapter 4

1436 Words
Chapter 4 "My God sissy! Ano yang suot mo?" Pigil na pigil ang pagtili ng kuya Taylor niya ng makasalubong niya ito sa pintuan ng kanilang mansiyon "A dress?" Napapangiti niyang sagot sa kanyang kapatid Tinignan siya nito mula ulo hangang paa. Halos manlaki ang mata nito sa malaswang kasuotan niya. She's wearing a white silky dress. Sa unang tingin ay para iyong pantulog sa gabi. Kakarampot ang telang iyon na nakatakip lamang sa maseselang bahagi ng kanyang katawan "A dress! Are you crazy?! Look at you tinalo mo pa si Cristal Steford ng victoria secret sa itsura mong yan?!" Halos mag hysterical na ang kanyang kuya Taylor sa kanyang harapan Napapangiti siya dahil natural na natural dito ang pagiging bakla. Para bang hindi iyon over acting katulad ni Cody. 'Mas girl na girl kasi ang baklitang boss ko na yun! Naku sayang talaga! "It's okay kuya. Mainit kasi sa pinagtatrabahuhan ko--" "Shut up sissy! Magpalit ka roon--" "Kuya ang kilay mo paki-baba nandiyan pa si papa sa taas. At ang boses mo pakihinaan. Babye-you sissy!" "What? Wait!" Patakbo na siyang tumakas sa kanyang kuya Taylor. Hahabulin sana siya nito ngunit mas mabilis siya. Nakasakay agad siya sa kanyang kotse bago pa man siya nito mahabol. Hindi naman ito makasigaw ng husto dahil baka marinig ito ng kanilang ama Napapatawa nalang mag-isa si Ely habang nagmamaneho siya papunta sa Hoffman corporation. Kahapon ay maghapon niyang hindi nakita si Cody Hoffman nabalitaan niyang may ibat-ibang negosyo pa pala itong inaasikaso katulad nalang ng apat na five star hotel na pagmamay-ari nito at ang isang daang branch ng super groceries store sa ibat-ibang parte ng Pilipinas Talaga ngang napakayaman nito. Bilib siya dito dahil kahit baklita ito ay napakahusay nito sa negosyo. Napansin niya ring masipag itong magtrabaho. Kaya siguro ito ang napili ng kanyang ama na maging target niya dahil nasisigurado ng kanyang ama na hindi na sila maghihirap pa kung ito ang makakatuluyan niya Ngunit paano? Napaka-arte nito daig pa ang isang babae! Hindi yata ito tinatablan ng alindog niya. Halos maglaway na nga ang mga empleyado nitong lalake sakanyang pangangatawan samantalang nananatili parin itong iwas sakanya. Pagkarating ni Ely sa parking lot ng kumpanya ay dali dali siyang nagretouch ng kanyang red lipstick. Kahit siya ay nagagandahan rin sa kanyang sarili Ibinaba niya pa ng husto ang kanyang damit. Masaya siya ngayong araw na ito dahil nag text muli ang kanyang daddy sakanya kaninang umaga. Napangiti siya ng maalalang tinawag siya nitong anak kahit sa text lamang FROM DADDY : Anak any updates? Iyon ang text sakanya ng kanyang ama. Nabuo tuloy ang desisyon niyang mas pag-igihan pa ang pang-aakit sa baklitang amo niya. Gagawin niya ang lahat upang mapalapit muli sa kanyang ama. Katulad noong nabubuhay pa ang mommy niya "You're beautiful and sexy girl! Gawin mong lalake ang baklitang iyon sa abot ng makakaya mo! Go tities!" Inalog alog niya pa ang kanyang mga dibdib habang kausap niya ang kanyang sarili sa harap ng maliit na salamin ng kanyang kotse Sakto namang napatingin siya sa kotseng nakapark sa gilid ng kanyang kotse dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sakanya. Tama siya! Mayroon nga! Nais niyang matawa ng makasalubong niya ang kunot nuong paningin ni Cody Hoffman! Ngumiti siya ng matamis bago sila sabay na bumaba ng kanilang mga kotse Hindi niya mapigilan matawa sa kulay pink na kotse nito. Tila over naman ito sa pagiging bakla? Para bang nais nitong ipag-sigawan sa buong mundo na isa itong bakla? Hindi katulad ng kuya Taylor niya. Nananatili itong pusong babae ngunit hindi naman ito bumibili ng weird stuffs katulad ng matingkad na kulay pink nitong kotse. Weird! "Stop laughing. Ano yang itsura mo? You look like a high-class prostitute" Nang-iinsultong tingin ang ibinibigay nito sakanya ngunit hindi niya napansin ang pag-galaw ng adams apple nito dahil para itong natakam sa malalaking pakwan na nasa harapan nito ngayon "Sorry! Bakit kasi kulay pink na pink yang kotse mo boss? Oo na ikaw na ang may pusong babae. Kailangan pa bang ipag-sigawan yun sa buong mundo? For sure pinagtatawanan ka rin ng ibang tao sa ginagawa mong yan eh" Natatawa paring sambit niya Hindi niya napapansin na panay ang alog ng kanyang dibdib at natutukso itong napapatingin sa mga iyon kaya hindi agad ito nakapag-react sa kanyang sinabi "Teka sinabihan mo ba akong prostitute? Anu ka ba boss fresh na fress pa kaya ako." Lumapit siya ng kaunti kay Cody at binulungan ito "I'm still virgin just to let you know" Bulong niya sa mapang-akit na boses bago niya hinaplos ang dibdib nito pababa sa bandang puson nito. Kahit siya ay kinilabutan sa kanyang sinabi. Hinawakan nito ang kanyang kamay bago pa niya mahawakan ang pagkalalake nito "I don't f*cking care. Do not dare to touch me again kung ayaw mong mawalan ng trabaho" Napalunok siya dahil naging pang lalake muli ang tono ng boses nito. Bakit parang nakikiliti siya sa tuwing naririnig niya ang baritonong boses ni Cody? Hindi siya nakasagot. Malapit na niyang isipin na tunay itong lalake kung hindi lang ito kumembot habang naglalakad ito. Napa-iling nalang siyang pinagmamasdan ito "Grabe sayang talaga ang lalakeng yun. Boses palang niya parang mag-wewet na ako eh! Sayang talaga naging binabae pa!" Napapangiting sambit nalang ni Ely bago siya sumunod sa kanyang baklitang amo niya Sabagay, Wala namang masama sa pagiging bakla. Kung iyon talaga ang pagkatao nito. Walang kahit sino ang maaring magdikta dito kung ano ang pipiliin nitong pagkatao kundi ang sarili lamang nito But she have a goal. And her goal is to make him a real f*cking man! Gagawin niya ang lahat para maging lalake lang ito. Gagawin niya ang lahat para hindi na ito kekembot sa paglalakad nito dahil naaasiwa siya! Hindi bagay sa kagwapuhan nito ang paglalakad nito ngayon Napangiti si Ely habang pinagmamasdan ang kanyang amo mula sa likuran nito. Pakembot kembot itong naglalakad sa hall way ng Hoffman corporation. Ngunit ng lumiko ito ay bigla ito dumiretso ng lakad. Narinig niya pang napamura ito. "F*ck this" Napahawak ito sa sariling balakang na para bang nahirapan ito sa ginawa nito Napakunot naman ang kanyang nuo "B-Boss" Di niya mapigilan tawagin ito. Naramdaman niyang natigilan ito sa paglalakad na para bang isa itong lalakeng lalake. Sa galaw at pagkilos nito. Hindi agad ito humarap sakanya ng ilang segundo ngunit ng humarap ito ay nakataas ang kilay nito sakanya F*ck bakit ako sinundan ng babaeng to? --Sambit ni Cody sa sarili nitong isip "Yes?" Maarteng tanong nito at nameywang pa sa harap niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Mukhang namamalikmata lamang siya na ilang segundo itong naging lalake sa paraan ng paglalakad nito Umiling siya at unti-unting ngumiti "N-Nothing boss. Gusto ko lang itanong kung gusto mo ba akong kainin? Ay! I mean kung kumain kana ba ng breakfast?" Kagat labi niyang tanong Sinadya niyang lagyan ng kahalayan ang kanyang sinabi kaya naman napakunot ang nuo nito at lumapit sakanya "Very funny. Parang kanina lang sinabi mo saking virgin ka pa tapos ngayon ganyan ka magsalita? Sinong niloko mo?" Napalunok siya. Tila nahiya siya sa kanyang sarili. Kung ano ano naman kasing pumapasok sa kanyang kukote. Mali mali yata ang diskarte niya "V-Virgin pa naman talaga ako no. Gusto mo ipasok mo yang anu mo eh.." Hamon niya "Sorry baby girl baka hindi mo kayanin pagpinasok ko to sayo. Tigilan mo na ang pang-aakit sakin dahil lalo lang bumababa ang tingin ko sayo." Hindi niya maiwasan masaktan sa sinabi nito. Tila napansin naman nito ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata dahil nag-iwas agad ito ng tingin sakanya at bahagyang lumayo Agad naman nawala ang sakit na kanyang nararamdaman ng maalala niya ang kanyang motibo. Narito siya para sundin ang utos ng kanyang ama at hindi para seryosohin ang damdamin para sa baklitang ito Huminga siya ng malalim bago siya nagsalitang muli "G-Grabe kana boss ha? Gusto ko lang naman akitin ka pero anong magagawa ko eh hindi ako marunong mang-akit?" "You're just wasting your time. Bakla ako. Itanim mo yan sa utak mo. Kahit kailan ay hindi mo ako maakit. Baka marape ka pa ng mga lalake sa ginagawa mong yan. Magpalit kana nga ng damit mo!" "P-Pero gusto ko paring subukan. Baka sakaling magustuhan mo ako" Napakagat-labi siya dahil lumapit ito sakanya "You're pain in my ass! Ang kulit mo. Huwag ka ng umasa na mapapansin kita dahil bakla nga ako. Sabihin mo yan sa parents ko. I will never marry that f*cking witch. Never!" Napatulala siya ng iwanan siya ni Cody na nakanganga habang binubuo niya sa kanyang utak ang mga salitang binitawan nito Anong ibig nitong sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD