Chapter 16 "Hindi na ako natutuwa sayo Cody!" Derederetsong pumasok sa loob ng kanyang condo unit ang kanyang ama. Namumula ang mukha nito na nangangahulugang galit na galit ito sakanya "Wala akong anak na bakla! For God's sake! Tigilan mo na yan!" Patuloy pa nito sa pag-sigaw "Dad please umalis kana?" Mahinahon niyang pagpapa-alis sa kanyang ama. Nais na kasi niyang balikan si Elle sa loob ng kanyang kwarto. "What? Ganyan kana ba talaga kawalang respeto sakin? Pinaalis mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong nito sakanya "Dad sa ibang araw nalang tayo mag-usap--" "No! I'm tired of your craziness! Pinapahiya mo ako Cody! Tigilan mo yang pagiging bakla mo dahil hindi ko iyan matatangap! Alam mo bang pinagtatawanan na ako ng mga kaibigan ko? Isang Kenjie Hoffman nagkaroon ng isang baklan