Chapter 16 3rd Person's POV Hindi naman na-bored si Coquelicot sa mga sumunod na araw. Likas kasi na masayahin ang aso at tinuturuan niya ito ng mga tricks. Feeling niya mas matalino pa ito sa kaniya. Naglalaro sila ng aso sa living room nang makarinig sila ng putok ng baril. Napatili si Coquelicot matapos marinig iyon. Lumabas din ang mga maid. Nagulat si Coquelicot matapos makitang binaril noong dalawang maid iyong nga kasamahan niya at itinutok iyon kay Coquelicot. "Dalhin niyo iyong babae," ani ng maid. Nanginig si Coquelicot sa takot— iniisip ni Coquelicot na mga magnanakaw ito o akyat bahay. "Troen!" sigaw ni Coquelicot. Tumalon ang aso at inatake ang maid na may hawak na baril. Nabitawan ng babae ang baril at agad na kinuha ng dalaga ang aso niya at tumakbo sa kabilang bah