Chapter 47 3rd Person's POV "C-que!" Sabay-sabay na tumakbo sina Citroen. Bago pa maibaon ng lalaki ang patalim nagulat sila matapos may kamay na bumaon sa dibdib ni Damien. Lumingon ang dalawa at bumagsak ang mga ito matapos may lubid na pumulupot sa leeg ng mga ito at hinila iyon ni Aspine. Nabali ang leeg ng dalawa at kasabay na bumagsak ang lalaking dapat sasaksak kay Coquelicot. Literal na nanlaki ang mata nina Lucio matapos makita iyon. Napabagsak iyon ni Aspine ng sabay-sabay. "Akala niyo kayong tatlo lang marunong ng sneak attack?" tanong ni Aspine. Tiningnan ni Aspine iyong isa sa apat. Napaupo ito at aalis ito nang ibato ni Aspine ang hawak na patalim at ibato iyon sa hita ng lalaki na napasigaw sa sakit. "C-que!" sigaw nina Graphite. Naiyak si Coquelicot sa takot. Sin