Chapter 36 3rd Person's POV Nakaupo si Coquelicot sa ibabaw ng kama. Tahimik lang ito doon— dalawang araw na siya nandoon ngunit wala pa din pagkakataon na makausap niya ng maayos ang parents niya either ang sariling mga kapatid. "Sobrang tahimik ng mansion. Ito ba ang tinatawag na silent war?" tanong ni Fuchsia. Ramdam din kasi na may gitgitan din sa side ng mommy at daddy nila. Sobrang bigat ng atmosphere kahit pa sabay-sabay ulit sila kumain. Hindi katulad ng dati. "Ano bang nangyayari sa pamilya natin?" tanong ni Fuchsia habang nakasandal sa sofa. Maraming gwardya sa loob ng mansion. Nakita nila ang kapatid na si Coquelicot na pababa ng hagdan. Agad na naalerto ang mga tauhan ng ama at tinanong si Coquelicot kung saan pupunta. Mas sumama ang expression ni Coquelicot matapos