Manang Rose POV. Sa paglabas ng kwarto ni Amanda ay hindi sinasadyang nakita ko ito. Nagmamadali siyang lumabas na tila may pupuntahan na kung saan ng ganitong oras. Alam ko na hindi siya aalis ng bahay dahil wala naman siyang driver na magmamaneho sa kan'ya kung sakaling aalis siya dahil tinanggal ni Lander at Xander ang Personal Driver nito. Ewan ko ba, sa pagkaka-alala ko ay marunong naman siyang magmaneho noon dahil may mga pagkakataon na sinamahan niya ako sa kan'ya noon para mamalengke at siya ang driver noon. Mas gusto ni Amanda ng privacy, ayaw niyang kumuha ng personal driver kahit ang ulit pa siyang pinilit ng Daddy niya pero lahat ng iyon ay tinanggihan niya. Nagtataka man kung bakit mula ng bumalik ito galing sa kung saan ay maraming nagbago dito. Sabi ni Sir Lance galit d