Julia POV Dahil sinabi ng kidnaper na tanging kami lamang tatlo nina Xander at Lander ang dapat na pupunta minabuti naming sumakay sa i-isang sasakyan. Kahit na maraming mga pulis na nakasunod sa amin at nakapalibot sa lugar kung saan sinasabing tagpuan ay kinakabahan pa rin ako para sa kaligtasan naming lahat. Si Xander ang nagmamaneho at katabi ko si Lander na panay ang pisil sa palad ko. Alam ko na ramdam nito ang tensyon na bumabalot sa puso ko. Hindi maalis sa akin ang takot para sa kaligtasan naming lahat. Walang perang involved na hinihingi ang mga kidnaper at tanging kami lamang tatlo ang sinabing pumunta. Nakakatakot lalo na at hindi ako sanay ng ganito. Kahit kailan ay hindi pa ako na-i-involve sa ganitong bagay sa buong buhay ko. Nasa kalagitnaan na kami ng daan patungo sa