Andrew MATAMA ko inayos ang pagkakasintas ng aking sapatos bago lumabas bahay. May usapan kaming magpipinsan na mag-kita-kita sa basketball gym ni Jio para maglaro. Ang totoo ako na lang hinihintay nila doon ngayon at sanay na rin naman silang lahat sa pagiging Filipino time ko. Ang rami ko kasing seremonyas bago maka-alis ng bahay gaya ngayon. Halos isang oras ako naliligo at higit trenta minutos naman sa pagbibihis. Kaya ang usapan na alas tres ay nausog ng nausog at sila na talaga ang nag-a-adjust para sa akin. "Andrew, halika dali, tingnan mo 'to." Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Manang. Tumayo ako at pinuntahan siya sa living room ng bahay. Nasalubong ko pa si Mommy na pababa ng hagdan at nakakunot din ang noo marahil ay curious sa dahilan ng pag sigaw ni Manang. Minsa

