Chapter 50 TAKANG-TAKA akong pinanood ang mga kaklase ko na nagmamadaling lumabas ng classroom namin pagkatapos ng klase. Naisip ko na baka may nangyari sa labas na dahilan ng kaguluhan nila. Ayoko naman makisama, masyado na akong stress para dagdagan pa iyon ng isang walang kabuluhan na kaguluhan sa labas. Para na lang talaga akong taong walang buto o mas tamang sabihin na multo. My normal routine isn't normal now. Araw-araw, gigising ako ng maaga para puntahan sa ospital si Andrew hindi para pumasok sa clinic ni Dr. JD. Andrew has been in a coma and Dr. Salazar said that he'll wake up soon. Normal ang vitals niya at para lang siyang natutulog talaga - ng matagal. Malalim akong huminga saka maayos na niligpit ang gamit ko. Naramdaman ko ang paglapit ng mga kaibigan ko. "Girl, ayos ka l