Chapter 84 ABALANG inayos ko ang aking buhok habang nakaharap sa isang whole body mirror. Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko na cocktail dress. It’s a white Jovani scuba cocktail dress with long bell sleeves, ruffle cuffs and a back zipper closure. Hakab na hakab ang kurba ng damit sa katawan ko na unti-unti na bumabalik sa dati makalipas ang halos labing isang buwan matapos ko manganak. Ang bilis panahon, labing isang buwan na si Queenie na parang kailan lang ay baby na baby pa. Unti-unti na siyang natuto na maglakad at daily routine na nilang mag-ama ang maglakad sa labas. Minsan nasama ako pero madalas sila lang dalawa dahil tamad ako mag-ikot-ikot sa subdivision. Mister and miss friendly nga silang mag-ama at halos lahat sa subdivision ay kilala saka nakakausap pa. Maraming friends

