Arc Four years after the migration. "HUN, what took you so long there? Ma-le-late na tayo at excited na si Queenie sa surprise niya kay Daddy." Sumimangot ako pagkarinig sa sinabi na iyon ni Andrew mula sa labas ng banyo. Madaling-madali akala mo naman maiiwan ng lahat kapag hindi nakarating on time. Mabilis ko inayos ang sarili ko pati na ang makeup habang hinihintay na matapos ang timer na na-set ko. In-unlock ko pintuan para hindi na kumatok si Andrew at hinayaan siya na buksan iyon. "Is there a result now?" tanong pa sa akin ulit ni Andrew. Sinilip niya ang pregnancy test kit na inoorasan ko. "Bakit parang ang tagal naman yata niyan?" Gusto ko tawanan si Andrew dahil stress na stress na siya at bakas na bakas na iyon sa kanyang mukha. Naiiling akong nag-ayos ng lipstick at hinayaa

